turista dahil sa napakaganda nitong mga tanawin at maputing buhangin. Ang bahay nila ay malapit lang sa dalampasigan. Madalas pumupunta ang dalawa sa tabing dagat kapag gusto nilang magpahangin at minsan pa nga binabalik nila ang kabataan na naglalaro ng habul-habolan.
Si Richard ay isang
security guard sa isang restaurant sa may kabilang isla at minsan lang ding
makauwi dahil sa malayo at magastos na pamasahe. Si Mia naman ay nasa bahay
lamang at sa tuwing wala ang kanyang asawa, tinatawagan niya ang kanyang
bunsong kapatid na si Jepoy upang may makasama sa bahay. Wala nang mga magulang
si Mia atang kanyang pamilya na lamang
ay sina Pia, Maricar, at Jepoy na kanyang mga kapatid. Si Pia, panganay nilang
magkakapatid ay nasa abroad. Sina Maricar at Jepoy naman ay inampon ng matalik
na kaibigan ng kanilang Ina at sila ngayo’y nagtatrabaho sa isang Bakery sa
kabilang Distrito.
Matapos ang halos apat na buwan na pagsasama ng mag-asawa,
ninais na nilang magkaroon ng anak. At ilang araw din ay nagbunga ang kanilang
pagmamahalan. Nabuntis si Mia. Saya at excitement
ang naramdaman ng mag-asawa dahil magkakaroon na silang anak.
Matapos ang mahabang panahong paghihintay ay isinilang na ang kanilang pinakamamahal na panganay at pinangalanan nila itong, Aeron. Napakasaya nila sa pagsilang ni baby Aeron. Abot tinga ang ngiti ni Richard dahil sa sobrang tuwa at galak niya. “Mamahalin ko at bibigyan ko ng magandang buhay si baby Aeron, Ma. Magiging katulad siya ni Vice Ganda na artista, magpapasaya ng tao, hahangaan ng iba, at..,” pabirong sinabi ni Richard. “Papa naman,” sabi ni Mia. “Joke lang.” May pagkakomedyante pala ito si Richard.
Isang taon ang nakalipas, mag-iisang taon na si Aeron.
Ngunit sa araw na iyon ay nasa trabaho si Richard. Hindi pwedeng umabsent at
kailangang mag-overtime. Alas sais ng gabing ‘yon, tumunog ang telepono at
nagmamadaling bumaba si Mia upang sagutin ito. Ngunit nadapa siya. Tumayo at
nadapa ulit. Eh kasi naman nagmamadali. At sa wakas nasagot din niya. “Ma, sorry wala ako sa unang kaarawan ni
baby. May overtime kasi kami ngayon. Hayaan mo, bukas uuwi ako ng maaga kasi
day off ko. Bukas nalang tayo magdiwang ng kaarawan ni baby Aeron. ” “O sige, Pa. Wala namang problema sa akin
basta’t makakauwi ka lang at okay ka,” sagot ni Mia. “Basta bukas antayin niyo ako ni baby ha. I love you, Ma. Bye!” wika
ni Richard. “Okay, Pa. Ingat ka. Mahal
din kita. Bye!” binabang dahan-dahan ni Mia ang telepono. At maya-maya
lamang ay may nabasag sa itaas. Nagmamadaling umakyat sa itaas si Mia. “Ate, pasensya na ho. Nabasag ang baso niyo.
Hindi ko sinasadyang mahulog habang ako ay naghuhugas ng inyong mga pinggan,”
wika ni Jepoy. Kinabahan si Mia bigla at hindi niya alam kung ano ang dahilan.
Samantala, si Richard naman ay sobrang abala sa trabaho.
Ngunit kahit na abala pa ay napansin pa rin niya ang isang mama na nakasuot ng
itim na Jacket na wari hindi mapakali at tila may inaabangan. Dahil sa curiosity ni Richard, inabangan niya
ito. Ilang segundo lamang ng pagkawala ni Richard ng kanyang paningin sa mamang
iyon, ay nawala na lamang ito na parang bola. Nagtaka si Richard. “Ang bilis nawala ng mamang ’yon. Daig pa ang
falling shine, I mean, falling star.”
Dalawang oras ang nakalipas, habang si Richard ay nakatayo
sa may entrance gate, nakita niya ang
isang misteryosong babae na tumayo sa kanyang inuupuan na nakasuot ng itim na
jacket, nagmamadaling umalis at iniwan ang bag. “Ms.! Ms.! Bag mo!” wika ni Richard. Ngunit hindi siya nito
pinakinggan. Hinayaan niya lang ang bag sa bench ngunit sa kanyang pagtalikud
ay may narinig siya, “ting! ting! ting!”
Isang bomba!!! Tumakbo si Richard sa restaurant at sumigaw ng malakas na, “may bomba!”. Nagpanic ang mga tao at lumabas. At doon niya naalala na ang babae
kanina at ang mamang nakita niya na hindi mapakali ay magkapareho ng suot na jacket.
Malamang magkasabwat sila. At sa kasamaang palad, tila huli na ang lahat.
Maya-maya ay sumabog ng malakas ang bomba. Parang bulkan ang sumabog.
Hindi na mapakali si Mia. Dahil sa naramdaman niya,
sinabukan niyang tawagin si Richard sa cellphone.
Ngunit walang sumasagot. Ilang beses niya itong sinubukan. At hindi niya magawang
matulog hangga’t hindi niya nalalamang nasa mabuting kalagayan si Richard.
Kinabukasan, alas singko ng madaling araw, may kumatok sa
pintuan. “Toktoktok!” Bumangon agad
si Mia upang buksan. At sa kanyang pagbukas, “Pa! Mabuti naman at nakabalik ka na. Sobrang nag-alala ako sayo. Akala
ko may nangyaring masama sayo. Ba’t hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” wika
ni Mia. Salita lang nang salita si Mia ngunit walang sinasagot si Richard. Ang tinataka ni Mia ay dumiretso si Richard sa
baybayin na parang wala sa sarili at walang imik. Sinundan niya ito.
Sumulat si Richard sa
buhangin. Hindi na mapalagay si Mia sa pinapakita ni Richard. Akala nito’y
nababaliw na siya. Lumapit si Mia upang tignan ang isinulat ni Richard. Bago
niya natignan, tinawag siya ni Jepoy na hingal nang hingal . “Ate! Ate! May natanggap kaming balita. Si si-sssi
kuya Richard. Wala na. Patay na.” “Ha!!
Anong patay na? Nandito lang siya.” At sa pagtingin ni Mia sa kanyang
likuran, nawala si Richard. “Ate, narinig
namin sa radyo kanina na may sumabog na bomba sa restaurant na tinatrabahoan ni
kuya. Binanggit ang mga pangalan ng namatay at isa si kuya Richard doon.“ “Ano?! Hindi!” Sa pagkakataong ito
tiningnan ni Mia ang sinulat ni Richard sa buhangin. “I love you Ma. Ingat kayo ni baby Aeron. Happy Birthday sa kanya. Bye.”
Umiyak ng matindi si Mia. Hindi niya akalaing nagparamdam pa si Richard sa
kanya bago niya nabalitaang patay na ang kanyang asawa.
Sa loob ng dalawang taon, naging madilim ang buhay ni Mia sa
pagkawala ng kanyang mahal na asawa. Lagi siyang nakatunganga. Pansin ng iba na
masyado siyang nadepress at wala sa
sarili minsan.
Isang araw, habang siya ay naglalakad sa daan, nakatagpo
niya ang kanyang kapit-bahay at sinabing, “Mia,
invite kita bukas. May Prayer Conference kami sa simbahan. Napapansin ko kasing
depressed ka masyado sa pagkawala ni Richard. Gusto kong maibalik ‘yong dating
Mia na masayahin. Okay lang ba sayo?” Hindi naman tumanggi si Mia.
Sa kanyang pagdalo sa Prayer Conference, naramdaman niya ang
pagbabago. Para bang nabuhayan siya at nabigyan ng pag-asa. Marami ang umiyak
sa mga sandaling iyon dahil sa mga testimonya ng isang miyembro ng simbahang
iyon. At sa mga mensaheng iyon, napaiyak si Mia. Naramdaman niyang may
bumubulong sa kanya. Para sa kanya, si Cristo Hesus ang bumubulong sa kanya.
Gusto na niyang magbago at maka-move on sa nangyari sa kanya.
Simula noon lagi na siyang nagsisimba kasama si Aeron. Ang
akala niya’y hindi niya makakayanan ang buhaying mag-isa ang kanyang anak. Pero
no’ng binago siya ng Panginoon, ang masalimuot na kahapon na tulad ng dagat na
maalon ay naging payapa at tahimik. Iba nang Mia ang kilala nila ngayon, matatag ang loob at hindi na basta-basta nawawalan ng pag-asa. Unti-unti na ring natanggap ni Mia ang pagkawala ni Richard. Sa katunayan, siya ngayon
ay worship leader na sa simbahan.
wetetew :)
TumugonBurahinPAKK!! haha.. kapuy basa! samot na kapuy himu :o
Hope you like it .