Sabado, Oktubre 19, 2013

Buhangin

Saya, pagmamahal, tapat, at tibay ng pagsasama ang mailalarawan ng mag-asawang Mia at Richard. Sila ay nakatira sa isang islang napakatahimik, malayo sa gulo at dagsaan ng mga
turista dahil sa napakaganda nitong mga tanawin at maputing buhangin. Ang bahay nila ay malapit lang sa dalampasigan. Madalas pumupunta ang dalawa sa tabing dagat kapag gusto nilang magpahangin at minsan pa nga binabalik nila ang kabataan na naglalaro ng habul-habolan.

Si Richard ay isang security guard sa isang restaurant sa may kabilang isla at minsan lang ding makauwi dahil sa malayo at magastos na pamasahe. Si Mia naman ay nasa bahay lamang at sa tuwing wala ang kanyang asawa, tinatawagan niya ang kanyang bunsong kapatid na si Jepoy upang may makasama sa bahay. Wala nang mga magulang si Mia atang  kanyang pamilya na lamang ay sina Pia, Maricar, at Jepoy na kanyang mga kapatid. Si Pia, panganay nilang magkakapatid ay nasa abroad. Sina Maricar at Jepoy naman ay inampon ng matalik na kaibigan ng kanilang Ina at sila ngayo’y nagtatrabaho sa isang Bakery sa kabilang Distrito.

Matapos ang halos apat na buwan na pagsasama ng mag-asawa, ninais na nilang magkaroon ng anak. At ilang araw din ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Nabuntis si Mia. Saya at excitement ang naramdaman ng mag-asawa dahil magkakaroon na silang anak.

Matapos ang mahabang panahong paghihintay ay isinilang na ang kanilang pinakamamahal na panganay at pinangalanan nila itong, Aeron. Napakasaya nila sa pagsilang ni baby Aeron. Abot tinga ang ngiti ni Richard dahil sa sobrang tuwa at galak niya. “Mamahalin ko at bibigyan ko ng magandang buhay si baby Aeron, Ma. Magiging katulad siya ni Vice Ganda na artista, magpapasaya ng tao, hahangaan ng iba, at..,” pabirong sinabi ni Richard. “Papa naman,” sabi ni Mia. “Joke lang.” May pagkakomedyante pala ito si Richard.

Isang taon ang nakalipas, mag-iisang taon na si Aeron. Ngunit sa araw na iyon ay nasa trabaho si Richard. Hindi pwedeng umabsent at kailangang mag-overtime. Alas sais ng gabing ‘yon, tumunog ang telepono at nagmamadaling bumaba si Mia upang sagutin ito. Ngunit nadapa siya. Tumayo at nadapa ulit. Eh kasi naman nagmamadali. At sa wakas nasagot din niya. “Ma, sorry wala ako sa unang kaarawan ni baby. May overtime kasi kami ngayon. Hayaan mo, bukas uuwi ako ng maaga kasi day off ko. Bukas nalang tayo magdiwang ng kaarawan ni baby Aeron. ” “O sige, Pa. Wala namang problema sa akin basta’t makakauwi ka lang at okay ka,” sagot ni Mia. “Basta bukas antayin niyo ako ni baby ha. I love you, Ma. Bye!” wika ni Richard. “Okay, Pa. Ingat ka. Mahal din kita. Bye!” binabang dahan-dahan ni Mia ang telepono. At maya-maya lamang ay may nabasag sa itaas. Nagmamadaling umakyat sa itaas si Mia. “Ate, pasensya na ho. Nabasag ang baso niyo. Hindi ko sinasadyang mahulog habang ako ay naghuhugas ng inyong mga pinggan,” wika ni Jepoy. Kinabahan si Mia bigla at hindi niya alam kung ano ang dahilan.

Samantala, si Richard naman ay sobrang abala sa trabaho. Ngunit kahit na abala pa ay napansin pa rin niya ang isang mama na nakasuot ng itim na Jacket na wari hindi mapakali at tila may inaabangan. Dahil sa curiosity ni Richard, inabangan niya ito. Ilang segundo lamang ng pagkawala ni Richard ng kanyang paningin sa mamang iyon, ay nawala na lamang ito na parang bola. Nagtaka si Richard. “Ang bilis nawala ng mamang ’yon. Daig pa ang falling shine, I mean, falling star.
Dalawang oras ang nakalipas, habang si Richard ay nakatayo sa may entrance gate, nakita niya ang isang misteryosong babae na tumayo sa kanyang inuupuan na nakasuot ng itim na jacket, nagmamadaling umalis at iniwan ang bag. “Ms.! Ms.! Bag mo!” wika ni Richard. Ngunit hindi siya nito pinakinggan. Hinayaan niya lang ang bag sa bench ngunit sa kanyang pagtalikud ay may narinig siya, “ting! ting! ting!” Isang bomba!!! Tumakbo si Richard sa restaurant at sumigaw ng malakas na, “may bomba!”. Nagpanic ang mga tao at lumabas. At doon niya naalala na ang babae kanina at ang mamang nakita niya na hindi mapakali ay magkapareho ng suot na jacket. Malamang magkasabwat sila. At sa kasamaang palad, tila huli na ang lahat. Maya-maya ay sumabog ng malakas ang bomba. Parang bulkan ang sumabog.

Hindi na mapakali si Mia. Dahil sa naramdaman niya, sinabukan niyang tawagin si Richard sa cellphone. Ngunit walang sumasagot. Ilang beses niya itong sinubukan. At hindi niya magawang matulog hangga’t hindi niya nalalamang nasa mabuting kalagayan si Richard.

Kinabukasan, alas singko ng madaling araw, may kumatok sa pintuan. “Toktoktok!” Bumangon agad si Mia upang buksan. At sa kanyang pagbukas, “Pa! Mabuti naman at nakabalik ka na. Sobrang nag-alala ako sayo. Akala ko may nangyaring masama sayo. Ba’t hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” wika ni Mia. Salita lang nang salita si Mia ngunit walang sinasagot si Richard.  Ang tinataka ni Mia ay dumiretso si Richard sa baybayin na parang wala sa sarili at walang imik. Sinundan niya ito.

Sumulat si Richard sa buhangin. Hindi na mapalagay si Mia sa pinapakita ni Richard. Akala nito’y nababaliw na siya. Lumapit si Mia upang tignan ang isinulat ni Richard. Bago niya natignan, tinawag siya ni Jepoy na hingal nang hingal . “Ate! Ate! May natanggap kaming balita. Si si-sssi kuya Richard. Wala na. Patay na.” “Ha!! Anong patay na? Nandito lang siya.” At sa pagtingin ni Mia sa kanyang likuran, nawala si Richard. “Ate, narinig namin sa radyo kanina na may sumabog na bomba sa restaurant na tinatrabahoan ni kuya. Binanggit ang mga pangalan ng namatay at isa si kuya Richard doon.“ “Ano?! Hindi!” Sa pagkakataong ito tiningnan ni Mia ang sinulat ni Richard sa buhangin. “I love you Ma. Ingat kayo ni baby Aeron. Happy Birthday sa kanya. Bye.” Umiyak ng matindi si Mia. Hindi niya akalaing nagparamdam pa si Richard sa kanya bago niya nabalitaang patay na ang kanyang asawa.

Sa loob ng dalawang taon, naging madilim ang buhay ni Mia sa pagkawala ng kanyang mahal na asawa. Lagi siyang nakatunganga. Pansin ng iba na masyado siyang nadepress at wala sa sarili minsan.
Isang araw, habang siya ay naglalakad sa daan, nakatagpo niya ang kanyang kapit-bahay at sinabing, “Mia, invite kita bukas. May Prayer Conference kami sa simbahan. Napapansin ko kasing depressed ka masyado sa pagkawala ni Richard. Gusto kong maibalik ‘yong dating Mia na masayahin. Okay lang ba sayo?” Hindi naman tumanggi si Mia.

Sa kanyang pagdalo sa Prayer Conference, naramdaman niya ang pagbabago. Para bang nabuhayan siya at nabigyan ng pag-asa. Marami ang umiyak sa mga sandaling iyon dahil sa mga testimonya ng isang miyembro ng simbahang iyon. At sa mga mensaheng iyon, napaiyak si Mia. Naramdaman niyang may bumubulong sa kanya. Para sa kanya, si Cristo Hesus ang bumubulong sa kanya. Gusto na niyang magbago at maka-move on sa nangyari sa kanya.

Simula noon lagi na siyang nagsisimba kasama si Aeron. Ang akala niya’y hindi niya makakayanan ang buhaying mag-isa ang kanyang anak. Pero no’ng binago siya ng Panginoon, ang masalimuot na kahapon na tulad ng dagat na maalon ay naging payapa at tahimik. Iba nang Mia ang kilala nila ngayon, matatag ang loob at hindi na basta-basta nawawalan ng pag-asa. Unti-unti na ring natanggap ni Mia ang pagkawala ni Richard. Sa katunayan, siya ngayon ay worship leader na sa simbahan.